Minsan may di talaga tayo mapipigilang mga pangyayari ,tulad na lang pag na LBM ka na wala sa oras ,tapos nasa klase ka o kaya sa bus panu na yan…. Baka magkalat ka pa…. pero at least my power ka ,hindi kilikili power ha, I mean yong rationality na sa tao lang…Eh kung sa hayop nangyari ang mga ganyan..Katulad ng minsan na umuwi ako sa pravins namin pagsakay ko sa may dyip may aso na kamukha ni pulboso sa marimar , pero mukang Diego si amo”hahaha”,nahalata niya yata ako na nakatingin kaya ngumiti siya , tapos bungi pala at may natitira na isang maiitim na ngipin na parang mahuhulog na sa pagngiti niya .Hanep , talaga pang Far Up (Close Up) ang ngiti niya… hehehe (sori po papa jesus masyado na naman akong mapagpintas)

Sa kalagitnaan ng biyahe , nabolabog ang lahat ng umotot ang aso ,nako pow! parang nabuhusan ang dyip ng tae ng aso sa subrang baho ….at dahil don As in parang giraffe ang leeg ko at iba pang pasahero sa bintana ng dyip na parang patungo kami sa zoo sa lagay na yon …. at ang mga iba kaawa awa sa pag langhap sa masamang loob ng aso,pagtapos ng ilang sandali humupa rin tapos non akala ng lahat ok na, kaya balik normal, pero mas masaklap pala ang mangyayari na talaga yatang masakit ang loob ng aso sa paglisan sa lugar namin, sumuka ang aso at di lang basta basta kasi tae ng tao ang isinuka nito, at masama lahat ang tingin ng mga kasama kong pasahero kay Diego liban ako kasi natatawa ako sa hitsura nila halos di mo na maipinta kulang nalang ay maduling sila sa pagkaasar at pagkahilo ,sila na ang nagmukang aso ,at dahil don unahan na kami sa pagdungaw sa bintana ng dyip para makalanghap ng hangin. sabay din sa iba sa pagsuka, sabi ko sa kanila “idol nyo yata yang aso sinasabayan ninyo pa sa pagsuka” ha ha ha .

.Nang makarating na kami sa bayan sinalubong na yong dyip ng mga ahente ng gulay , naguunahan sila para makuha ang mga produkto , pero ng naamoy at nakita nila yong suka ng aso na tae ng tao para silang mga pusa na nakakita lang ng aso ay dalidaling umalis… ako naman ay tawa lang ng tawa , at ang mga ibang pasahero ay parang mga gulay nang nalanta ….